Muntikang rambulan sa mga tune-up game

SA Setyembre 30 pa magbubukas ang 38th season ng PBA subalit ngayon pa lang ay ramdam na ang init ng laro ng 10 teams na kasali.

Mula Lunes ay sunod-sunod ang muntik-muntikan ng rambulan sa tune-up games, nauna rito ay ang laban ng Ginebra at Qatar national team sa Ronac Arts Center sa San Juan.

Pa-layup si Kerby Raymundo nang banatan siya ng hard foul ni Qatari center Muhammad Yousef kaya naman natigil ang laro may limang minuto pa sa third canto dahil muntik nang mauwi sa rambulan.

Kinabukasan ay hindi na tinapos ng San Mig Coffee (dating B-Meg) ang laro dahil hindi nagustuhan ang ejection kay Jerwin Gaco sa hard foul kay Eddie Laure ng Alaska Aces.

Kahapon si Air21 rookie Yousef Taha ay kumaripas ng takbo papalabas ng Moro Lorenzo Gym para iwasan ang umuusok na ilong ng ilang players ng Globalport (dating Powerade).

Sa second canto ng practice match ng GlobalPort at Air21 ay nagkainitan na sina Rabeh Al-Hussaini ng Batang Pier at PBA draft 11th pick overall Taha.

Pagkatapos ay si Rommel Adducul naman ang nakainitan ni Taha ng magkatulakan sila na naging dahilan para madaganan ang tuhod ng una.

Dahil malapit sa bench ng GlobalPort ‘yung insidente ay nanggigil na nagsitayuan ang mga player ng Batang Pier para sugurin si Taha.

Samantala, mga ilang minuto ay lumamig na ang mga ulo ng players kaya naayos din ang gulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply