Naaagnas na bangkay ng batang lalaki, lumutang sa ilog

PATAY na nang matagpuan ang bangkay ng isang batang lalaki sa ilog Pasig sakop sa Parola Compound sa Binondo, Maynila kaninang umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 10 hanggang 15 taong gulang ,nakasuot ng kulay pink na scheckered shorts at walang saplot pang-itaas.

Ayon kay SPO2 Milbert Balinggan, dakong alas 6:30 kaninang umaga nang napansin umano ng isang concerned citizen ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilog kaya agad nitong ipinagbigay alam sa mga tauhan coast guard sa Delpan, Binondo detachment.

Ayon kay Balinggan, ilang araw nang patay ang biktima dahil naaagnas na ang bangkay nito nang maiahon ng coast guard.

Pansamantala namang inilagak ang labi ng biktima sa Funeraria Cruz para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply