Naaagnas na bangkay ng isang babae, natagpuan

WALANG saplot at naaagnas na ang bangkay ng isang babae nang matagpuan na inilibing sa isang maisan sa Barangay Kipalbig bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ang bangkay babae ay nadiskubre ng isang nagpapastol ng hayop at kinilala ang biktima ng mismo asawa nito na si Wenelyn Vergo Abanzo, 22 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na Septyembre 12, pa nawawala ang biktima at kahapon lang ito ng umaga ito nakita at naaagnas ang katawan at walang saplot na pinaniniwalaang ginahasa.

Ayon kay Police Inspector Ignacio Paderna, Deputy Chief of Police ng Tampakan PNP, isinailalim na sa post mortem examination ang bangkay ng biktima para malaman kung ginahasa ito at ang dahilan ng kanyang kamatayan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply