Naghatid ng sustento sa ka-live-in utas sa boga

PATAY ang 32-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin matapos maghatid ng sustento  sa dati niyang kalive-in sa Pasay City.

Dead on the spot si Dionisio Garcia, ng 2105 Tramo St., corner Protacio St., sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa bahay ng dating kalive-in na si Cristina Diaz, 29, ng 088 Block 2 Lot 30 St. Rita St., Maricaban pasado alas-3 ng hapon kahapon upang dalawin ang 11-anyos na anak na babae at maghatid na rin ng sustento

Nagtagal pa umano ang biktima sa bahay ng dating kalive-in

hanggang yayain ang anak na bumili ng pritong saging sa kanto ng Sta. Rita at St. Francis St. dakong alas-7:30 ng gabi na hindi kalayuan  sa bahay ng dating kalive-in.

Nauna umanong umuwi ang anak ng biktima  kaya’t hindi nito  nasaksihan ang  pamamaslang ng hindi pa kilalang salarin sa  kanyang ama.

Inaalam naman ng pulisya kung may kaugnayan sa krimen ang pagnanais ng biktima na makipagbalikan sa dating kalive-in alang-alang sa kanilang naging anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply