Naglabasan sa lungga ang mga “epal”

ILANG araw na lang at magsisimula na ang filling ng candidacy para roon sa mga kakandidato sa local election, ngunit ngayon pa lang ay nagsimula nang maglabasan sa kanilang mga lungga ang mga “epal.”

Kahit saang lugar yata rito sa Metro Manila ay may makikita kang mga banner o streamer ng mga “epal” na nakasabit sa poste o kaya ay sa mga bahay-bahay na nasa tabi ng kalsada. ‘Yung iba naman ay sa mga tricycle.

Nagtataka naman ako sa mga “epal” na ito  kung bakit ngayon ay naglalabasan na sila gayung noong lumubog halos ang Metro Manila ay hindi mo sila nakitang lumabas at tumulong sa mga nabiktima ng  baha.

Nu’ng humupa ang  tubig-baha ay isa-isa nang nagpa-pogi ang mga “epal.” Andoon na ‘yung namahagi ng relief goods, medical mission at kung ano-ano pa, pakuha ng mga litrato tapos  ay ipo-post sa mga social network. Sa Metro Manila, ang Quezon City na yata ang may pinakamaraming”epal”, sumusunod dito ang lunsod ng Maynila, CAMANAVA area, Las Piñas, Pasay City , Pasig City, Parañaque  at Muntinlupa City.

Sabagay, ano ba naman ang pakialam natin diyan, gastos nila yan. Ang sa akin lang ay para gisingin ang mga botante na hanggang ngayon ay  himbing na himbing pa rin sa kanilang pagkakatulog .

Sana ay magpasa ng batas ang mga konsehal para sa pagbabawal maglagay o magsabit ng mga streamer o banner sa mga  kalsada dahil  isa ito sa pinagmumulan ng aksidente.

Hindi lang  mga  “epal” ang  naglabasan sa kanilang mga lungga kundi ang kanilang mga lider na hindi pa man nakapag-file ng kanilang candidacy ang kanilang mga “manok” ay nagsisimula nang mag-house to house. Nakupo, sana naman ay magising na ang ating mga botante, sana ay  ‘wag na nilang iboto pa ‘yung mga “epal” dahil puro porma lang ang alam ng mga ‘yan, kulang naman sa gawa.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036 o kaya ay mag-email lang sa …lpr_2012@-yahoo.com …

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply