Nagpastol ng itik, tinamaan ng kidlat, todas

SA mismong ulo tinamaan ng kidlat ang isang padre de pamilya sa Camarines Sur habang nagpapastol ng kanyang mga alagang itik kaninang alas 9:30 ng umaga.

Ang bangkay ng biktimang si Noel Borromeo, 44-anyos, residente ng Barangay Ayugan, bayan ng Ocampo na may pitong anak ay natagpuan ilang oras pa ang nakalipas sa may palayan.

Naganap ang insidente dakong alas 9:30 ng umaga sa isang palayan.

Bago ito, nagpaalam sa kanyang pamilya ang biktima para ipastol ang kanilang mga alagang itik sa palayan na ilang metro lamang ang kayo sa kanilang bahay.

Pero biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagdagundong ng malakas na pagkulog.

Maya-maya lamang ay bigla na lamang tinumbok ng malakas na boltahe ng kidlat ang ulo ng biktima na noon ay nakasuot ng sombrero.

Samantala, isang bahay din ang tinamaan ng kidlat sa nasabing lugar subalit maswerteng walang nasugatan sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply