Nakaidlip sa sarap, bebot nadale ng lover sa motel

NAUBOS ang pera sa pitaka ng isang empleyada nang tangayin ng kanyang lover boy matapos makatulog sa pagod sanhi ng pakikipagtalik sa loob ng isang hotel sa Kalibo, Aklan.

Dahil dito, dumulog agad sa Kalibo PNP ang 51-anyos na ayaw magpakilalang biktima upang ipagharap ng reklamo at ipatugis ang suspect na inilarawan nitong 25-28 anyos, guwapo, binata at tubong Kalibo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas 2 at alas ng madaling-araw sa isang hindi pinangalanga hotel sa Kalibo.

Bago ito, nakipagkaibigan sa naturang ginang ang suspect kamakalawa lamang ng gabi sa isang resto bar sa Kalibo.

Dahil may itsura at tipo ang lalaki, kinabukasan ay muling nagkita ang dalawa at nag-inuman muna sa ibang bar bago nag-chek in sa naturang motel.

Napasaya naman umano sa pagtatalik ng suspek ang biktima kaya sa pagod ay nakatulog ito nang mahimbing.

Pero nang magising ang ginang dakong alas 4 ng madaling araw, kasabay ng pagkakatuklas na inabandona siya ng suspect ay nawala na rin na parang bula ang kanyang P5,000 na nasa kanyang pitaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply