Nakasakong bangkay natagpuan sa Coloocan

ISANG bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang nagtagpuan sa Caloocan City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, 5’4” ang taas at brief  lang ang suot.

Batay sa ulat, dakong ala-1 ng kaninang madaling araw nang matagpuan ang isang sako ng bigas sa gitna ng kalsada Letre rd., ng lungsod.

Itinawag sa pulis ang nakita at nang buksan ay tumambad ang katawan ng biktima na nakabalot ng masking tape ang mukha, may palantadaan na binigti ang biktima at nakagapos ng nylon cord ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply