Namayapang direktor kinasuhan ng katiwalian ng Ombudsman

SA KABILA ng may ilang taon ng namamayapa ay itinuloy pa rin ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian laban sa namayapang si Ricardo L. Manapat, dating director ng Records Management and Archives Office (RMAO).

Si Manapat na namayapa na noon pang Disyembre 24, 2008 matapos atakehin ay inakusahan ng katiwalian kasama si dating RMAO Accounting Division OIC Mamerto A. Galendez, dahil sa maanomalyang kontrata kaugnay sa pagsasaayos muli ng sirang gusali ng Intendencia sa Intramuros, Manila.

Matatandaan na si Manapat ay naging kritiko noong 2004 at kumukuwestiyon sa Filipino citizenship ng kumakandidatong oposisyon na si Fernando Poe Jr..

Ang nasabing kaso ay isinampa ni Graft Investigation and Prosecution Officer Marius Fitzgerald E. Veloso.

Ang nasabing kaso inaprubahan noong Agosto 9, 2012 ni Ombudsman Conchita Carpio Morales,  batay sa nilalaman ng Information numbered SB12-CRM-0219.

Ang nasabing kaso’y nag-ugat dahil sa reklamo ng Ombudsman’s Field Investigation Office (FIO) kaugnay sa P48-milyon kontratra para sa Intendencia Project Consortium of Consultancy Services  kaugnay sa restoration ng Intendencia building na nai-award noon pang Disyembre 1996.

Ang kinukuwestiyon ng mga imbestigador ay wala umanong budget para sa proyekto ang RMAO  pero nakapagbigay na umano ang ahensya ng P10.56 million para sa consortium upang masimulan na ang restorasyon

Kabilang sa consortium ng proyekto ang C. L. Alma Jose and Sons Inc. at Vigen Realty and Development Construction Corporation.

Inirekomenda ni Veloso ang piyansa na itakda sa halagang P30,000 bawat isa sa akusado.

Kabilang sa inasahang testigo ay sina Commission on Audit general counsel Santos A Alquizalas at Ombudsman-FIO General Investigation Bureau B director Ma. Olivia Elena A. Roxas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply