Nambugbog, nangotong: 4 QC officials sinibak

SINIBAK ngayon sa serbisyo ng Office of the Ombudsman (OMB) ang apat na opisyal ng Quezon City, ito ang napag-alaman ng Remate.

Kinilala ang mga natanggal sa trabaho na sina Ramir Bautista, Darwin Orlina, at Paulo Jose Evasco, mga Barangay Tanod ng Barangay Quirino 3-A, Project 3, Quezon City; at Lani Palmani Castillo, utility worker II ng Department of Engineering ng Quezon City Hall.

Nag-ugat ang sibakan nang ireklamo ni Pilar Habana at anak nitong si Carlo ang mga akusado at dalawa pang kasama.

Sa reklamo, binugbog si Carlo sa tapat ng kanilang bahay dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Nasaktan din si Pilar habang umaawat.

Kasong kriminal ang isinampa laban sa mga akusado sa Metropolitan Trial Court ng Quezon City matapos magpakita ng medico-legal certificates sina Habana.

Kinasuhan din ng mag-ina ng Grave Misconduct sa OMB upang matanggal sa serbisyo ang mga nabanggit..

Bukod sa pagkatanggal sa trabaho, tinanggal din ang kanilang eligibility at retirement benefits at hindi na rin sila maaaring magtrabaho saan mang ahensya ng gobyerno.

Samantala, sinibak naman si Castillo dahil sa kasong Violation of Sec. 11 (b) of Republic Act No. 9485 (Anti-Red Tape Act).

Ayon sa OMB, nakipagsabwatan si Castillo kay Filip Valera upang makotongan sina Rosalyn Mercado at Dennie Burget para mapabilis ang pag-iisyu ng kanilang business permit.

Sa reklamo nina Mercado at Burget sa Quezon City Hall Police Office (QCHPO), ipinaklilala ni Castillo sa kanila si Valera at humingi ng P10,000 para mapabilis ang paglalabas ng kanilang mga permit.

Nag-isyu si Mercado ng Union Bank Check sa pangalan ni Castillo, ngunit humingi pa ito ng karagdagang P10,000.

Dahil dito, sinampahan ni Mercado ng kasong estafa si Castillo sa QCHPO, na siyang nagdala naman nito sa Ombudsman.

Sa hiwalay na report, sinibak din si Leilani Pagdanganan, Senior Accountant B ng Manila International Airport (MIAA) dahil sa  kasong Violation of Sec. 7(d) of RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Sa reklamo ni Ma. Girlie Jose ng Equine Power Trading Company, humingi si Pagdanganan at si MIAA Division Manager A Felisa Dizon ng komisyon dahil sa pagtulong na makakuha ng loan ang Equine na project transaction sa MIAA.

Nakakuha umano si Pagdanganan ng 5% commission o P150,000 samantalang si Dizon naman na nag-release ng tsekeng nagkakahalaga ng P2,830,000 at binigyan agad ng P20,000.

Hindi napatunayan ang kaugnaya ni Dizon sa kaso kaya hindi siya natanggal sa trabaho.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply