Nangholdap sa Alabang Town Center, sinusuyod sa MM

SINUSUYOD na ng tatlong grupo ng kapulisan ang Metro Manila para hulihin ang mga responsable sa panghoholdap ng moneychanger sa Alabang Town Center at pagpapasabog sa kalapit na bangko sa Muntinlupa City .

Ito’y matapos mabuo ang Special Investigating Task Group Alabang, na nilikha ni NCRPO director Chief Superintendent Leonardo Espina, at inatasan si Sr. Superintendent Conrad Capa, OIC ng Muntinlupa Police na pamunuan ang task group.

Ayon kay Capa ang tatlong grupo ng task force ay tinatrabaho na ang background ng napatay na holdaper na si Pepito Paler, ang isang grupo ay hinahanap na ang may-ari ng Mitsubishi Lancer (PKR 173) na narekober sa pinangyarihan ng krimen , at pinag-aaralan naman ng isa pa ang mga nakalipas na katulad na pangyayari.

HIndi pa makapaglabas ng mga ulat ang task force ni Capa habang nasa kasagsagan pa ng imbestigasyon ang kanyang mga tauhan ,subalit nagpahayag ito na unti-unti na silang lumalapit sa mga posibleng sangkot sa krimen.

Ang labi ng suspek na si Paler ay nananatiling nasa Eastern Funeral homes at walang umaangking kamag-anak , at natuklasan ng mga pulis na ito ay may tatlong tirahan kung saan ang isa ay nasa Gen.Santos city.

Nakikipag-ugnayan na rin ang SITG Alabang sa Quezon City Police District sa posibleng koneksyon ng grupo sa Ozamis robbery gang na nag-ooprate sa lungsod Quezon ,dahil magkahawig ang taktika ng mga ito , na ginawa ng gang sa pag-atake sa Robinson Galeriya nito lamang taong 2012.

Samantalang subsob pa rin ang isa pang team ng task force sa Land Transportation Office sa tunay na may-ari ng get-away car na iniwan ng mga holdaper sa Alabang Zapote Road matapos ang kanilang operasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply