Nangotong sa anak ni Espina sumuko na

SUMUKO ma kanina ang pulis Quezon City na nangotong sa anak ni NCRPO Director General Leonardo Espina.

Mananatili muna sa Admin holding unit ng Quezon City Police District sa Kampo Karingal si SPO4 Jose Dela Peña.

Dakong tanghali kanina nang sumuko si dela Peña kasama ng kanyang abogadong si Atty. Kris Gargantiel  at pormal na humarap  kay QCPD Director C/ Supt. Mario de la Vega.

Tuluyan na ring sinibak si dela Peña at kinuha ang kanyang tsapa.

Ayon kay Atty. Kris Gargantiel, takot aniya at  hindi alam  ng kanyang kliyente ang gagawin kaya nagtagal muna bago ito nagpakita sa pulisya.

Sinabi naman ni QCPD District Director Mario Dela Vega na mauumpisahan na nila ngayon ang pormal na imbestigasyon sa kaso at maisusulong na nila ang  reklamong kriminal at administratibo laban dito

Hindi nagbigay ng ano mang pahayag sa media si dela Peña.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply