Nasa likod ng salvagings, tutuldukan ni Espina

MATAPOS magkasa ng secret marshals at karagdagan na tauhan sa kalsada para masawata ang kriminalidad, target naman ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matukoy ang nasa likod ng serye ng summary executions, kahit ang mga biktima rito ay mga hinihinalang mga kriminal.

Sinabi kaninang umaga ni Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na nais niya sa kanyang mga tauhan na tugisin ang nasa likod ng extrajudicial killings.

“[Ang] summary killings definitely ay hindi pwede ‘yan. Kung may pagkakasala ang tao he or she should be investigated, prosecuted and incarcerated. Pero papatayin mo is definitely not allowed,” paliwanag ni Espina.

Ang tinutukoy ni Espina ay ang bagong mga insidente ng summary executions na ang mga bangkay ng pinaniniwalaang kriminal ay ikinakalat sa ilang parte ng Metro Manila partikular sa Quezon City kaya nabansang killing field city of the Philippines.

Sa ilan sa mga kaso, iniiwanan ng mga placards ang mga salvage victims para ipaalam sa publiko na sila ay snatchers, robbers o drug pushers, at hindi dapat silang buhayin pa.

Nitong nakaraang Sabado lamang, dalawang bangkay ng summary execution victims ang natagpuan sa Quezon City, nilagyan ng masking tapes ang kanilang mukha at sa ka sinasak ng ice pick sa likod ng kanilang katawan.

“Kung magkakaroon ng ganyang tag na ‘huwag tularan,’ we have to get to the bottom of this and arrest those who killed them,” giit ni Espina.

Samantala, aminado si Espina na nangangapa pa sila ng pamamaraan para malutas o ‘di man ay mabawasan ang kiriminalidad sa Quezon City, na ang sabe niya ay ang may pinakamataas na naitalang salvaging cases kumpara sa ibang lugar sa Metro Manila.

Sinabi pa nito na nag-uusap sila halos araw at gabi ni Quezon City police head Chief Superintendent Mario dela Vega para magpakitaan ng plano para palutas ang problema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply