NCAA men’s basketball: Stags palalakasin ang kampanya sa F4

PATITIBAYIN ng last year’s runner up San Sebastian College Stags ang pagsampa sa Final Four ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Kahit may kabigatan ay pipilitin ng Stags na magapi nila bukas ng alas-sais ng gabi ang naghahabol na Jose Rizal University Heavy Bombers na gaganapin sa The Arena sa San Juan.

Nakakapit ang SSC sa segundo puwesto na may 11-4 win-loss slate habang nasa pang-limang puwesto ang Heavy Bombers tangan ang 9-7 baraha.

Ang panalo ng Stags ay magbibigay din sa kanila ng tsansa na makasungkit ng twice-to-beat advantage kung saan ay nakuha na ng defending champion San Beda College Red Lions ang isang slot.

Ipinagkakaloob ang nasabing incentives sa top two finisher sa elimination round.

Nasiguro ng Red Lions ang pagsampa sa semis dahil umalagwa ito sa team standings sagpang ang 14-2 karta.

Magkasalo sa third to fourth spot ang Perpetual Help Altas at host Letran Knights bitbit ang 10-6 baraha kaya naman mahalaga rin sa JRU ang panalo dahil may dalawang laro pa silang natitira.

Samantala, nailista ng Altas ang kanilang pang-10 panalo nang talunin nila ang Lyceum of the Philippines Pirates, 64-53 kahapon.

Nasa delikadong sitwasyon din ang Altas kahit kasalo sila sa third to fourth spot dahil ang huling dalawang laban nila ay ang San Beda at San Sebastian.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply