NDRRMC naka-alerto dahil sa bagyong Karen

NAKA-BLUE alert na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para sa banta ng bagyong Karen.

Ayon sa NDRRMC, inalerto na nila ang kanilang mga tauhan sa local levels para paghandaan ang magiging epekto ng bagyo.

Sinabi rin ng ahensya na hindi dapat maging kampante ang publiko kahit pa hindi masyadong ramdam ang epekto ng bagyong Karen sa kasalukuyan.

Tiniyak naman ng NDRRMC na patuloy silang magbabantay sa bagyong Karen hanggang sa tuluyan itong makalabas ng Philippine Area of Rensponsibility (PAR).

Tinututukan ngayon ng NDRRMC ang Bicol, Samar, Leyte at Silangang bahagi ng Mindanao na malapit ang bagyong Karen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply