NDRRMC nakaalerto kay Lawin; E. Samar signal No. 2 na

NAKAHANDA na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa lumalakas na bagyong Lawin habang papalapit sa Samar-Bicol area.

Batay sa bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-5:00 ng madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 380 ng east of Borongan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyong Lawin  ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kph habang kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 9 kph.

Inaasahan na itong nasa 310 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar mamayang gabi.

Nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang 1 sa Eastern Samar.

Nagbabala ang PAGASA sa mga may-ari ng bangkang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na iwasan munang maglayag sa eastern seaboard ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa malalaking along dulot ng Bagyong Lawin.

Samantala itinaas na ng NDRRMC sa red alert ang pagtutok nito sa galaw ng bagyong Lawin.

Ngayong alas-8:00 ng umaga nang itaas ng NDRMMC ang unang inisyung blue alert sa red alert matapos lumakas ang bagyong Lawin.

Una nang inalerto ng NDRRMC ang Disaster Management Officials sa Cagayan Valley, Bicol at Eastern Visayas para maghanda sa posibleng evacuation sa mga maaapektuhang residente sa kani-kanilang area.

Signal No. 2
Eastern Samar

Signal No. 1
Sorsogon
Northern Samar
Western Samar
Leyte

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply