Negosyante niratrat, tigok

PATAY ang isang 28 anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek habang nakikipagkuwentuhansa kanyang kaibigan, kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Tatlong tama ng bala sa dibdib ang tinamo sa hindi malamang kalibre ng baril ng biktimang si Rodel Reyes Jr.,ng 601 Dandan St. Tondo, Maynila na namatay noon din.

Habang nakatakas naman ang hindi nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na baril patungo sa hindi malamang direksiyon.

Ayon kay Rodel Reyes Sr.,56, ama ng biktima, ipinarada umano ng kanyang anak ang sasakyan nitong Toyota Fortuner na may plakang  ZKU-891 sa kanilang garahe at pagkatapos ay nakipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan.

Habang nakikipagkuwentuhan ay sumulpot ang hindi nakikilalang mga suspek buhat sa kanyang likuran at saka pinagbabaril ang biktima.

Patuloy naman na inaalam ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply