Negosyante tigok sa pamamaril

LAOAG CITY – Dead-on-the spot ang isang negosyante  bahang sugatan ang kapatid matapos itong pag babarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa national highway ng Barangay Salet-Bulangon sa nasabing siyudad, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Romeo San Juan, nagmamay-ari ng isang bakery at residente ng Lagui-Sail, Laoag City. Nagtamo si San Juan ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sugatan naman ang kapatid ng biktima na si Roni na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Bago maganap ang insidente, binabagtas ng biktima ang natioal highway lulan ng isang delivery truck upang maghatid ng kanyang panindang tinapay nang bigla itong hinarang ng tatlong suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Pagkahinto ni San Juan ay agad bumaba ang dalawang suspek at pinaputukan ng di pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa inisyal na report ng local na PNP, agad tumakas ang mga suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang local na police.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply