Nene dinalirot sa evacuation center, kelot kulong

KULONG ang isang binata matapos ipasok ang daliri sa ari ng nene sa loob ng evacuation center sa Navotas kagabi, Setyembre 16.

Kinilala ang suspek na si Ramil Sacedor, 27, pansamantalang naninirahan sa evacuation center sa Phase-1B, Basketbal Cout, North Bay Boulevard South, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 9, evacuees din sa nasabing lugar, nasa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi nang lapitan siya ng suspek sa loob ng nasabing lugar at tinakot kapag pumalag hanggang sa ipasok ni Sacedor ang daliri sa ari ng nene.

Nang matapos ay nagsumbong sa ina ang bata na naging dahilan upang ipadampot sa mga barangay tanod ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply