Nene hinalay ng 5 kainuman

NILASING muna bago halinhinan hinalay ang isang nene ng mga kainuman sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nadakip naman ang dalawa sa limang suspek na kapwa 17 anyos lungsod habang pinaghahanap pa ang tatlong kalugar din ng biktimang na pawang mga 14 anyos.

Batay sa ulat, inaya kagabi ng mga suspek ang batang babae ng inuman sa bahay ng isa sa mga suspek.

Dahil mga kalugar ay sumama ang biktima kung saan dakong alas-12 ng hatinggabi ay nalasing ang nene na binuhat ng mga suspek sa kuwarto at doon halinhinan hinalay.

Nang mahimasmasan ay umuwi ang biktima at nagsumbong sa ate na naging dahilan upang isumbong sa mga barangay tanod.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang dalawa habang nakatakas ang tatlo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply