Ninong Manny Pacquiao, mapanonood ng live sa Universal Studio

HANDA na kayong manood sa naiibang Manny Many Prizes na gaganapin sa Universal Studio ngayong Sunday? Naiiba ang audience dahil mga Pinoy at American ang dudumog sa show para panoorin ang naiibang games ni Cong. Manny Pacquiao.

Bukod pa rito, ang pamimigay ng premyo ni Manny ay in US dollars. Siyempre, may beneficiary siyang Pinoy na kapuspalad pa rin kahit naninirahan sa America.

Bago ang show ay nagkaroon na ng contest sa singing at dancing. Yung mga finalist ang mapanonood sa show at dito maidi-declare ang winner.

Darating ang mga Kapusong sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose at si Rochelle Pangilinan. Tiyak na gigiling nang todo si Rochelle para sa mga Pinoy audience.

Siyempre, kasama rin ang mga host na sina Pekto, Paolo Contis, John Feir, Gladys Guevarra. May two episodes na mapanonood tayo ng Manny Many Prizes. Ang dalawang show ay may dalawang klase rin ng audience. Magkasunod na Linggo natin mapanonood ang programa.

000

PROUD parents sina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado sa kanilang dalawang anak na lalaki na sina Bryan at Jolo Revilla.

Tapos na pala sa kolehiyo si Bryan ngayon. Tinapos niya sa La Salle ang kursong Foreign Studies. Dapat itutuloy ni Bryan ang pag-aaral niya pagkatapos kumuha ng Foreign Studies sa kursong Law, pero mas pinili nitong asikasuhin ang negosyo ng kanilang pamilya.

Nabalitaan namin ito mismo kay  Rep. Lani sa presscon ng Luna Blanca. Silang mag-asawa ay natutuwa sa tinatahak na buhay ng kanilang anak na may responsibilidad sa kanilang pamilya. Tulad ni Bryan, si Jolo naman ay ang pagiging politician naman ang trip na namana sa kanyang amang si Sen. Bong.

Si Jolo ngayon ay abala sa pag-iikut-ikot sa iba’t ibang lugar sa Cavite. Iginu-groom na maging runningmate ni Gov. Remulla ng Cavite para maging vice governor sa 2013 elections.

Samantala, hindi kasasawaan ang pagtalakay sa buhay ng mga higanteng ibon na lumilipad sa malawak na continent ng Africa sa Kap’s Amazing Stories ngayong Sunday na tumalakay sa topic na Earth Flight na hosted by Sen. Bong.

Tulad ng mga buwitre na kayang itaboy ang naghahari-hariang leon. Bukod pa rito, ang mga buwitre ay nakikinabang rin sa mga balyenang namamatay sa dalampasigan.

Mapapanood rin ang ibang klase ng ibon na lumilipad na may sari-sariling ruta para hindi magkasagian sa himpapawid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply