No. 5 kilabot na tulak sa Baguio, timbog ng PDEA

NAHULOG din sa matiyagang pagmamanman ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency  o PDEA ang pang limang itinuturing na kilabot na tulak ng shabu sa isinagawang search warrant operation sa mismong bahay nito sa Baguio City.

Hindi na nakapalag pa ang subject ng search warrant na si Edmar Buscagan, alias Toots, at  alias Jun, 44 anyos, matapos itong ipatupad ng mga elemento ng PDEA-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR)  sa mismong bahay niya sa  No. 012 Balsigan Barangay, Baguio City.

Guwardiyado umano ng mga aso ang bahay ni Buscagan dahil isa itong dog breeder nang salakayin ng PDEA ang bahay nito.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. si Buscagan umano ay lider ng sindikato ng droga na binubuo ng kanyang mga kamag-anakan, kung saan ginagamit nitong drug couriers ang ilang menor de edad na ginagawa niyang runners sa pagtutulak  ng shabu sa mga nagtatranaho sa  club gaya ng guest relations officers o GROs at sa mga palengke boys sa Baguio City   .

Nakumpiska ng mga tauhan ni PDEA- CAR Director Ronald Allan Ricardo, kay  Buscagan ang may anim na  plastic sachets ng shabu na may bigat na  6.8 grams at mga  drug paraphernalia na ginagamit sa pagre- repack.

Dahil dito, si Buscagan ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa  Section 8 (Manufacture of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply