Nominasyon ni Abaya sa DOTC, ipinasa na sa CA

IPINASA na ng Office of the President (OP) sa  Commission on Appointments (CA) ang nomination papers ni congressman Jun Abaya bilang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

“Yes, the OP will transmit it within the day,” ang nakasaad sa text message ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sa ulat, umaasa si Lacierda na agad na maaaprubahan ng CA ang pagkakatalaga kay Abaya.

Inaasahan rin ng palasyo na pormal nang makakaupo sa Oktubre si Abaya sa DOTC pagkatapos na maipasa sa third reading ang 2013 national budget, bilang tumatayo ring chairman ng House Appropriations Committee.

Samantala, pinabulaanan naman ng palasyo ang umanoy political issue sa pagitan naman ni incoming DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay bunsod ng pagkakatalaga kay Roxas sa departamento.

“We believed that there’s no wedge there should be no wedge between Vice President and Secretary Mar Roxas. Remember there is only one family, there is only one head, the President,” pahayag pa ni Lacierda.

Matatandaang una nang inihayag ni Pangulong Aquino na magtatrabaho ang mga naturang opisyal para sa bansa at hindi dahil sa kapakanan ng Liberal Party.

Hindi rin pinansin ni Binay ang naturang isyu. Naniniwala ang bise presidente na magta-trabaho si Roxas para sa ikabubuti ng bansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply