Nominasyon ni Mar maaari pang harangin – CA

BIBIGYAN pa rin ng pagkakataon ng Commission on Appointments (CA) na magsumite ng kanilang opposition ang mga tumututol sa nominasyon ni Mar Roxas bilang kalahim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon mismo sa pinuno ng CA na si Senate President Juan Ponce Enrile, sinasabing walang isyu laban kay Sec. Mar Roxas na magiging hadlang sa kanyang nominayon bilang bagong kalihim, sa oras na makompleto ng Malacañang ang appointment papers at requirements ni Roxas ay ipa-publish ito alinsunod sa CA rules.

Isang linggo pagkatapos ng publications, magkakaroon na ng pagdinig ang komiteng hahawak at sakaling walang pagtutol agad itong ikakalendaryo para sa en banc deliberations.

Dahil na-appoint si Roxas bilang kalihim sa kasagsagan na naka-convene ang CA ay hindi ito makakaupo sa puwesto hangga’t walang kumpirmasyon.

Pero ayon kay Enrile, dahil walang tumututol sa nominasyon ni Roxas, tiniyak nitong bago mag-adjourn ang session ng Kongreso sa Setyembre 21 ay mapagtibay ang nominasyon ng kalihim.

Kahapon ay natanggap na ng CA ang nominasyon ni Roxas kaya pinakukompleto rito ang kangyang mga requirements upang agad masimulan ang proseso ng pagdinig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply