Nora Aunor pinarangalan ng independent film critics sa Venice, Italy

PINARANGALAN ng mga independent film critics sa Venice, Italy ang nag-iisang Supestar Nora Aunor dahil sa mahusay na pagganap nito sa pelikulang “Thy Womb” na idinerehe ni Briallante “Dante” Mendoza.

Iginawad sa Superstar ang Bisato d’ Oro Award, ng Premio Della Critica Indipendente, grupo ng mga independent film critics, sa Venice.

Nabatid na si Nora ang unang Pinay actress na pinarangalan ng nabanggit na pagkilala.

Sa indie movie na Thy Womb ginampanan ng Superstar ang isang kumadronang Badjao na nagsakripisyo para matupad ang pangarap na anak ng kanyang asawa.

Kabilang ang “Thy Womb” sa 18 pelikulang naglaban-laban para sa Golden Lion Award sa 69th Venice International Film Festival.

Sa ulat sa telebisyon, binigyan ng limang minutong standing ovation ang Thy Womb sa ginanap na screening ng film fest.

Present din sa naturang pagtitipon si Lovi Poe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply