Northrail project probe sinuportahan

SUPORTADO ni House Minority Leader Danilo Suarez ang anomang imbestigasyon na ilulunsad ng administrasyong Aquino sa napurnadang Northrail deal.

Ito ay matapos kumpirmahin ni DILG Secretary Mar Roxas na sa kanyang pakikipag-usap sa China ay biglang inungkat ang pagsingil sa may $500 milyong pondo na dapat sana ay gagastusin sa Northrail project na magdudugtong mula Manila hanggang Central at Northern Luzon.

Binigyang diin ni Suarez na hindi lang siya kundi marami ang naghahangad na mabatid kung saan na napunta ang nabanggit na pondo at bakit hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang proyekto.

Sa panig naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ay inudyukan nito si Pangulong Benigno Aquino III na tanggihan ang paniningil ng China sa aniya’y maanomalyang proyekto.

“The government must refuse the demand of China for the payment of the anomalous Northrail loan. It is overpriced due to the bribery of public officials by the Chinese officials. This contract must be annulled because our consent to the loan was vitiated by fraud and is no different to the voidable contracts under article 1390 of the Civil Code.” ani Colmenares.

Kasabay nito, nanawagan din si Colmenares na kalkalin at kasuhan ang mga dating opisyal at ang mga Chinese official na nasangkot sa usaping ito.

Ipinababasura rin ni Colmenares sa Kongreso ang awtomatikong paglalaan ng pambayad sa Northrail load sa 2013 proposed budget.

Sa ngayon ay tanging ang Commission on Audit (COA) ang nagpasimula nang magsiyasat sa multi-million dollar loan mula sa China dahil sa umano’y overpriced Northrail project na nagkakahalaga lamang mula $160 milyon at $180-milyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply