‘Not guilty’ plea, inihain ni Mrs. Marzan

NAGKASA ng not guilty plea si Analiza Marzan kaninang umaga sa kasong attempted homicide at serious physical injury na isinampa ng kanilang dating kasambahay na si Bonita Baran.

Ginisa si Mrs. Marzan para sa seven counts ng serious physical injuries at 2 counts ng attempted homicide sa the Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 40.

Sina Mrs. Marzan at ang kanyang mister na si Reynold, ay nagpasok ng not guilty plea para naman sa kasong illegal detention sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77 ilang araw palang ang nakalilipas.

Nito namang nakaraang Miyerkules, isa pang dating kasambahay ng mag-asawang Marzan at inakusahan din ang mga Marzan ng pangaabuso.

Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta, abugado ni Baran na maari nilang gamitin ang bagong lumutang na complainant na kasambahay para palakasin ang kanilang kaso laban sa mga defendants.

Samantala, itinakda ni Quezon City MTC Branch 40 Judge Julieto Fabrero ang susunod na pagdinig sa Oktubre 4.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply