NPA leader sumuko

SUMUKO na sa 53rd Infantry Battalion ng 1st Infantry Tabak Division ang Squad Leader ng New People’s Army (NPA) sa Western Mindanao.

Kinilala ng militar ang sumukong rebelde na si Roger E. Apog alias Rey at alias Bajik mula sa Western Mindanao Regional Party Committee.

Kasamang isinuko ni Apog ang kannyang garand rifle at mga bala sa Barangay Kahayagan, Bayog, Zamboanga del Sur na dala nito ang isang Garand rifle at mga bala nito.

Ayon sa Division Public Affairs Office ng 1st Infantry Battalion, sumuko ang lider habang isinasagawa ng tropa ng kasundaluhan ang peace and development works sa naturang barangay.

Inaasahan naman ni Lt. Col. Victor C. Tanggawon, Commanding Officer ng 53rd IB na marami pa sa kanyang mga kasamahan ang magbabalik loob na rin sa kamay ng pamahalaan at tuluyan nang iwanan ang buhay sa bundok.

Sinaluduhan naman ni Maj. Gen. Ricardo Rainier Cruz III ang tropa ni Tanggawon na kasalukuyan pa rin nagpapatuloy sa kanilang pagpapatupad ng bayanihan sa kanilang Internal Peace and Security Program (PSP).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply