NPC malayong kumalas sa LP – Rep. Gatchalian

HINDI kakalas ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pakikipag-alyansa nito sa Liberal Party (LP).

Ito ang paglilinaw ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, tagapagsalita ng NPC kasunod ng naging pahayag ni Tarlac Rep. Henry Conjuangco na wala umanong pormal na coalition sa iba pang partido ang NPC.

Ayon kay Cojuangco, hindi nakapaghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec) ang partido.

Aniya, sa halip na coalition agreement ay gagawin na lamang itong partnership agreement na nangangahulugan na walang official certificate mula sa partido kundi magkakanya-kanya na lamang ng paghahain ng certificate of candidacy sa Comelec.

Sa press conference ay inihalimbawa ni House Majority Leader Neptali Gonzales II ang coalition ng United Nationalist Alliance (UNA) kung saan nakapaloob dito ang mga partido ng PDP -Laban kung kaya’t ang mga kandidato nila ay magkakasama dahil nakapaghain sila ng CONA sa Comelec taliwas naman sa grupo ng LP na kanya-kanya ang paghahain ng kandidatura.

Ngunit siniguro ni Gonzales na makakasama nila sa partido sa senatorial slate ang mga taga-Nationalista Party (NP) na sina Rep. Cynthia Villar, Sen. Allan peter Cayetano, at Sen. Antonio Trillanes samantalang wala pang kasiguruhan sina Senador Loren Legarda at Francis “Chiz” Escudero.

Kasabay nito, kinumpirma ni Gonzales na ilalabas na sa darating na linggo ang kompletong listahan ng senatorial slate ng LP kasabay ng filling ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa 2013 mid-term elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply