NPC: Media dapat may boses sa Kongreso

HAYAGANG idineklara kahapon ng National Press Club na kailangan nito ng representante sa lehislatura para maisulong ang kapakanan ng malayang pamamahayag sa bansa na kasalukuyang nanganganib.

Ito ang naging pahayag ni NPC President Benny Antiporda bilang panawagan sa Commission on Elections na irekonsidera ang desisyon nitong pagtutol sa paglahok ng partidong Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa darating na 2013 midterm elections.

Labis na nangangamba ang NPC sa sitwasyon ngayon sa usaping malayang pamamahayag sa bansa kung saan walang humpay ang nagaganap na pagpatay sa mga mamamahayag na hanggang sa kasalukuyan ay hindi mabigyan ng katarungan.

Kaugnay nito, nangangamba rin ang NPC sa ilang sunod na paglabas ng mga bagong batas na maituturing na kikitil sa malayang pamamahayag.

Una nang tinangkang ipasa ang Data Privacy Act na naglalaman ng mga probisyong haharang sa pagkuha ng impormasyon ng mga mamamahayag sa mga data provider na may mga kaukulang parusang multa at pagkakakulong.

Mabilis naman itong hinarang ng NPC at naipasok ang‘Sotto Law’ sa nasabing panukala na nagsasabing hindi maaaring idemanda ang mga media sa ngalan ng malayang pamamahayag.

Ngunit napalusutan ang sambayanan matapos na lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Cybercrime Prevention Law of 2012 na malinaw na kikitil sa malayang pamamahayag sa cyberspace kung saan dinoble pa sa nasabing batas ang sentensya ng kasong libelo, mula prision correccional (6 na buwan at isang araw hanggang 6 na taon) ay ginawa itong prision mayor (6 na taon at isang araw hanggang 12 taon).

Naging usad- pagong ang pagpasa sa dekriminalisasyon ng kasong libelo at sa ipinangako ni PNoy na Freedom of Information Bill na maituturing na mga batas na tutulong sana sa malayang pamamahayag sa bansa.

Ayon kay Antiporda ”Why is it so hard for them to implement the law against murderers of media practitioners and laws to preserve freedom of the press which is mandated by our Constitution, yet so fast for them to pass laws that violate the Bill of Rights which guarantees that no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press.”

“Our only chance to save the freedom of the press in our country is to be represented in Congress,” dagdag pa ni Antiporda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply