Numero na pro, anti RH, wag paniwalaan – Escudero

HANGGA’T wala pang pinal na bersyon ng reproductive health bill na pagbobotohan ang mga senador, hindi pa maaasahan at hindi pa dapat paniwalaan ang mga lumalabas na numero ng mga pro at anti-RH bill.

Reaksyon ito ni Senator Francis Escudero sa paglutang ng ibat ibang numero ng mga senador na pabor, kontra at wala pang posisyon sa RH bill, may nagsasabing 10-10-3, merong 9-8-6 habang merong nagsasabing 14 na ang mga pabor dito.

Giit ng senador, magbabago-bago pa ang mga bilang ng mga pro at anti rh bill hanggang sa magkaroon na ng final version na kanilang pagbobtohan sa plenaryo.

Nanindigan naman si Senator Panfilo Lacson sa kanyang pahayag na meron ng 14 na senador ang sumusuporta sa RH bill.

Sa katunayan, sinabi ng senador na hindi pa niya naisama dito ang dalawang senador na lumapit sa kanya noong nakalipas na araw ng Mierkoles kung saan kategorikal na inihayag ang pagsuporta sa pagpaa ng rh bill basta tmagkaroon ito ng katanggap tanggap na mga amendment.

Giit ng senador, karapatan naman ng sinuman na mag speculate pagdating sa bilang ng mga pabor at kontra sa RH bill.

Sinabi naman ni Senador Gringo Honassan na kung ngayon magbobotohan, no ang kanyang magiging boto sa rh bill…ito ay dahil naniniwala siya sa inilahad na mga argumento ni senate majority leader tito sotto laban sa RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply