Obrero tinarakan ng kasamahan, todas

TODAS ang isang 19 anyos na obrero nang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan kaninang madaling araw sa Malate,Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Philippine General hospital (PGH) ang biktima na si Angel Suing, steelman sa ginagawang gusali ng Cherry Mobile na matatagpuan sa kanto ng Apacible at Leon Guinto Sts. Malate, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Romex Ronquillo, may taas na hanggang 5’3, 35, at kapwa stay-in worker sa nabanggit ng gusali.

Sa report ni SPO2 Glenzor A. Vallejo, dakong alas 3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing gusali.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naghuhugas ng kamay sa gripo ang biktima nang saksakin ng suspek sa kanang bahagi ng kanyang likod.

Base sa pahayag ng testigong si Allan Carpe, steelman din sa itinatayong gusali, nakita nitong sinaksak ng suspek ang biktima kaya agad nila itong itinakbo sa ospital ngunit hindi na rin naisalba pa ng mga doctor.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa naturang pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply