OFW na nagpakamatay sa Lebanon sa FB lamang nalaman ng kaanak

HINDI makapaniwala ang mga kamag-anak ng isang overseas Filipino worker na nagpakamatay ang kanilang anak na kasalukuyang nasa Lebanon na taga-Ballesteros, Cagayan kung saan sa Facebook lamang nila nalaman ang balita.

Nakilala ang OFW na si Flordeliza Mendoza, 39, ng barangay Palloc, Ballesteros.

Ayon kay Joan Villa, hipag ng OFW sa isang panayam sa radio, duda sila sa pahayag ng employer ni Flordeliza na siya ay nagbigti dahil sa mga nakitang palatandaan na siya ay pinahirapan at sinakal.

Nabatid na nakatakdang sanang umuwi sa Disyembre si Flordeliza kung saan matatapos na ang kanyang dalawang taong kontrata.

Ayon pa kay Villa, nalaman lamang nila sa Facebook na patay na si Flordeliza at sinasabi nga na siya ay nagpakamatay.

Dagdag pa ni Villa, Agosto 18, nang mamatay si Flordeliza ngunit nalaman lamang nila ito noong Agosto 23, saka pa lamang sila nakipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 para sa kaukulang tulong upang maiuwi ang bangkay ng Pinay worker.

Naiuwi ang bangkay ni Flordeliza noong September 6, at inihatid sa kanyang huling hantungan September 12.

Samantala, nangako naman ang OWWA na patuloy silang makikipag-ugnayan sa konsulada ng bansa sa Lebanon upang alamin ang tunay na nangyari sa nasabing OFW.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply