OFW sumemplang sa motor, ulo pisak pa sa trak

BASAG ang ulo ng isang overseas Filipino worker (OFW) nang sumemplang ito sa kanyang motorsiklo at masagasaaan pa ng isang humahagibis na 18-wheeler truck sa Cagayan kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo ang biktimang si Cresenta Pardua, tubong Tuao, Cagayan at residente sa bayan ng Iguig.

Tila nabunutan naman ng tinik sa leeg ang tsuper ng nasabing trak na si Gavino Aggabao dahil iniurong na ng pamilya ng biktima ang reklamo laban dito dahil isang aksidente lamang ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay pero ipinasasagot na lang dito ang pagpapalibing sa biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9:30 ng umaga sa Barangay Baculud, Amulung.

Ayon kay Senior Inspector Edwin Aragon, deputy chief of police, bago ang insidente ay pauwi na ang biktimang lulan sa kanyang motorsiklo matapos makipagkita sa ka-textmate na nakilala niya sa internet noong nasa ibang bansa pa ito.

Dahil bako-bako, sumemplang ang biktima sa kalsada at eksakto namang paparating ang 18-wheeler truck na may kargang 200 bag ng semento at nagulungan ang ulo ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply