Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng rollback ngayong araw

NAGPATUPAD ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Binawasan ng Petron, Pilipinas Shell, Flying V at Seaoil ng 65 sentimos ang halaga ng bawat litro ng kanilang diesel, simula kaninang hatinggabi.

Habang 80 sentimos ang itinapyas sa gasolina, P1.20 sa kerosene at P1.40 sa regular gasoline.

Pareho ang ipinatupad na rolbak ng Unioil para sa kanilang diesel at gasolina, ngunit P1.40 ang itinapyas sa kanilang regular gasoline.

Ang bawas-presyo ng Eastern Petroleum para sa kanilang diesel at gasolina ay katulad din ng mga nauna subalit 90 sentimos ang kanilang ibinawas sa bawat litro ng kerosene, habang P1 sa kanilang regular gasoline.

Epektibo naman kaninang alas-6:00 ng umaga ang bawas-presyo ng Phoenix Petroleum, PTT at Total kung saan 65 sentimos ang itinapyas sa bawat litro ng diesel, 80 sentimos sa gasolina at P1.40 sa regular gasoline.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply