Oil price hike, pinalagan ng mga kababaihan

TINULIGSA ng Gabriela Women’s Party ang kahinaan ng gobyernong Aquino laban sa panibagong serye ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang kahinaang ito ay ipinapakita ng kawalang kibo ng gobyerno sa dikta ng mga kumpanya ng langis sa kabila ng maraming konsiderasyon, ayon kay Gabriela congresswoman Emi de Jesus.

Halimbawa, ayon sa mambabatas, umaasa na lamang umano ang gobyerno sa mga indipendyenteng periodic oil price review, samantalang pwede naman itong mag-utos ng pananaliksik kung patas ba ang paggalaw ng mga presyo.

Dagdag pa rito, hindi pa nakakabawi ang mamamayan sa sunod-sunod na kalamidad subalit hindi man lamang nakiusap ang gobyerno sa mga kumpanya ng langis na magdahan-dahan sa oil price hike o OPH upang makatulong naman sa mamamayan.

Ayon pa kay De Jesus, ang gobyernong walang magawa sa mahalagang usapin katulad ng presyo ng produktong petrolyo ay napakahina at walang silbi sa naghihirap na mamamayan.

Ang Gabriela ang may akda ng House Bill 4704 na humihingi ng eksempsyon ng mga produktong petrolyo mula sa value added tax.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply