Oil price review committee, binatikos ng transport group

BINATIKOS ng iba’t-ibang transport sector ang ulat ng Oil Price Review Committee (OPRC)na nagsasabing walang over pricing sa mga produktong petrolyo.

Dahil dito, hindi naitago ng grupong Pinagsamang Samahan ng Tsuper at  Opereytor Nationwide (Piston) ang kanilang galit sa resulta ng limang buwan na pagre-review ng komite.

Ayon kay Piston President George San Mateo, isang malaking kalokohan at panloloko ang ginawa ng OPRC sa pag-aaral.

Isa pa umano, hindi rin malinaw kung talagang nasuri ang eksaktong presyuhan sa merkado ng petrolyo.

Depensa naman ni Review Committee Chairman Prof. Ben Diokno na magkaka-iba ang sinusunod na pricing formula ng mga oil company maging ang mga pinagkukunan nila ng suplay na ibinebenta naman sa merkado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply