Oct 5, deadline sa pag-file ng COCs – Comelec

IPINAALALA ng Commission on Elections (Comelec) sa mga tatakbo sa pagka-gobernardor at kongresista sa halalan sa 2013 na sa Oktubre 1 na ang simula ng filing ng certificate of candidacy (COC) at magtatapos ito sa Oktubre 5.

Base sa panayam sa radyo kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dapat maghain ng COC sa kanilang distrito sa mismong provincial election supervisor ang nais tumakbo sa pagka-gobernador at kongresista.

Habang sa main office naman dapat magtungo ang mga nais na tumakbo sa pagka-senador.

“Wala hong extension ‘yun, hanggang dun na lang po ‘yung filing, hanggang October 5, 5:00 in the afternoon.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply