Ombudsman usad-pagong

KATIWALIAN at kabagalan sa trabaho ang  dahilan kaya  naengganyo ang mga mambabatas na i-impeach ang noo’y Ombudsman na si Merceditas Gutierrez.

Ngunit bago pa man ito matanggal sa posisyon dahil sa nakaambang impeachment trial, si Gutierrez ay kaagad nagbitiw  bilang Ombudsman.

Bunsod ng kanyang pagbibitiw ay itinalaga naman ng Pangulong Noynoy Aquino si dating Justice Conchita Carpio – Morales na Ombudsman.

Kung bakit si Morales ang napili, ito’y dahil – ayon kay Pangulong Noynoy – ang dating SC justice ay malinis at walang bahid ang pangalan sa katiwalian.

Dahil Aquino appointee, marami ang naniwala na ang  mabagal na trabaho sa Office of the Ombudsman ay mapabibilis sa pagkakatalaga kay Morales.

Pero, tila ang ekspektasyon ng Pangulo at ang taumbayan ay  hindi nakikita sa ahensiya ngayong si Morales na ang Ombudsman.

Dahil hanggang ngayon daw  ay  usad-pagong pa  rin ang reso-lusyon ng mga kaso.

Halimbawa,  anila, ay ang kaso laban kay Eric Albano at dalawa pa na sinampahan ng kaso sa Om-budsman  noon pang December 2010.

Inakusahan nina DoF-RIPS agents Oscar Moratin at Crispin Ve-larde si Albano, et al ng pangungu-limbat ng kumpiskadong smuggled goods sa BOC warehouse.

Kabilang sa kanilang kinulimbat ay ang apat na 50-inch plasma TV sets, 14 car stereos, apat na  came-ra, video game player at 9 na bote ng designer perfumes.

Nang mabuko, ikinatuwiran ni Albano na kinuha nila ang mga nasabing gamit bilang “sample” o ebidensiya sa ginagawa nilang pagsisiyasat.

Gayunman, may kautusan sa BOC na kung may sisiyasating epektos, isa lamang sample ang dapat kunin at muling isasauli kung saan ito nakakustodiya.

Ngunit ‘di na umano nila naibalik ang mga gamit na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

Ni hindi umano sila awtorisado para gawin ito.

Nabatid pa na bukod sa Theft at paglabag sa Graft charges, kinasu-han din sa Ombudsman si Albano kaugnay ng iligal  na pagpapa-yaman.

Hiniling sa Office of the Om-budsman na isuspinde, iutos nang sibakin at kumpiskahin ang ta-gong-yaman ng mga ito pero ‘di pa rin ito naaaksyunan.

Ngunit  kay Albano, sinabi niyang  malinis ang kanyang pa-ngalan at ipinahayag na wala siyang kinakaharap na anomang kaso sa Ombudsman.

Dapat ay kumilos si PNoy para kumilos ang Ombudsman at malaman ang katotohanan sa likod ng isinampang kaso ng DoF-RITS laban kina Albano at dalawang iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply