One-stop public service center itatayo sa Malibay, Pasay

PINANGUNAHAN ngayon ni Pasay City Mayor Antonino “Tony” G. Calixto ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod sa groundbreaking ceremony para sa Malibay Community Center sa Malibay Plaza sa Pasay.

Ito ay isa sa mga pangunahing proyekto ng Pasay City government na naglalayong mapagbuti ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga mamamayan lalo na sa mga Pasayeños.

Sa pamamagitan ng Malibay Community Center, mas mapagbubuti ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga mamamayan sa larangan ng kalusugan at sa  pagiging handa sa anumang mga suliranin at sakuna na maaaring maranasan.

Bibigyang-pansin din nito ang peace and order management ganoon din ang cultural at sports activities sa pagtatayo ng nasabing one-stop public service center.

Ang Malibay Community Center ay nakatakdang matapos sa Setyembre ng susunod na taon at naglalayon na mailapit sa publiko ang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Makikita sa nabanggit ang apat na day care centers, Barangay Hall at Action Center, Rescue Center at isang presinto ng kapulisan. Mayroon din itong Peace and Order Office, Fire Station, at Cultural at Sports Center. Mayroon ding two units ng elevators at Air Cooling System para sa nabanggit na one-stop public service center.”

Matatagpuan din ang health centers na may kumpletong mga pasilidad at kagamitan ang Malibay Center Plaza kasama na ang isang evacuation and emergency/relocation center na may kumpleto ring sanitary facilities.

Matatagpuan din sa nabanggit ang isang Recreational at Green Area, isang Perimeter Vehicle Parking at Driveways na may Fire Protection System at Waste Water Facility.

Humingi naman ng paumanhin si Calixto sa posibleng abala na maidudulot habang isinasagawa ang proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply