Ongpin, DBP officials, pinakakasuhan sa Ombudsman

PINAKAKASUHAN sa tanggapan ng Ombudsman ng kasong katiwalian ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) at tatlong pribadong indibidwal kaugnay ng ginawang pag-apruba ng dalawang pautang na may halagang P660 milyon noong 2009 ng Delta Ventures Resources Inc.(DVRI).

Sa nilagdaang resolusyon ni Ombudsman Conchita Morales, may katibayan aniya para kasuhan ng paglabag sa R.A.-3019 o anti graft and corrupt practices Act ang mga opisyal ng DBP  na kinabibilangan nina Patricia Sto Tomas –dating Chairman, Reynaldo David –dating angulo at Vice Chairman, dating mga director na sina Alexander Magno, Floro Oliveros, Miguel Romero , Franklin Velarde ,Renato Velasco at Joseph Donato Pangilinan.

Bukod sa 20 opisyal ng DBP kinasuhan din ang mga pribadong indibidwal na sina Roberto Ongpin- DVRI general manager, Josephine Manalo -DVRI President at MA. Lourdes Torres – treasurer ng Golden Media Corporation dahil naman sa  paglabag sa section  3(E) ng RA 3019 o anti graft and corrupt practices Act  kung saan inaprubahan nila ang P 150 milyong credit line ng DVRI.

Ang kaso ay nag ugat sa kasong isinampa ng complainant noong August  2011 na sina   DBP representative Chair Jose NUÑEZ at President –CEO Francisco del Rosario Jr laban sa 28 dating opisyal ng DBP kaugnay  ng naturang anomalya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply