Operasyon ng fake PNP’s, natuldukan na

NAPILAY na agad ang operasyon ng grupo ng mga holdaper na ang modus operandi ay magpapakilalang pulis at isakay ang kanilang bibiktimahin sa kanilang sariling sasakyan bago holdapin.

Ito ay makaraang makuwelyuhan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nito lamang nakaraang Biyernes ng gabi ang pitong miyembro nito sa isang check point sa Fairview, Q.C.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Superintendent Mario dela Vega, na dalawa agad complainant ang lumutang at nagsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspect na pinilit silang isakay sa sasakyan bago hodalpin.

Ayon sa biktima na isang ayaw magpakilalang estudyante, hinataw siya ng baril sa dibdib ng isa sa mga suspect nang walang makuha sa kanyang pera.

Pinagtiyagaan naman ng mga suspect ang nakuha sa isa pa nilang biktima na P300 lamang.

Kinilala ni QCPD deputy director for administration Senior Superintendent Joel Pagdilao ang mga suspect na sina Romeo Mendoza, Johnny Mendoza, Ricardo Puzon, Edwin Mallari, Alejandro Cortez, Ferdinand Tolentino, at Agusto Rodriguez.

Sinabi ni Pagdilao na ang mga suspect, na lulan sa isang Mitsubishi L200, ay naaresto pasado alas 9 p.m. habang sila ay sinita sa isang checkpoint sa J. P. Rizal street sa Barangay Sta. Lucia.

Pero imbes sumuko, nagpakilala ang mga suspect na mga alagad ng batas subalit nang hingin ang kanilang identification card at tsapa ay, doon na sila nabuko dahil wala silang mailabas na mga dokumento.

Ayon kay Pagdilao, makakasuhan ang mga suspect ng usurpation of authority dahil sa pagpanggap bilang mga law enforcement agents.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply