Opisyal ng MPD may memory gap

NAKAPAGTATAKANG na-promote ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD) gayung may naka- pending itong mga kaso sa National Police Commission (NAPOLCOM) at korte.

Ang opisyal ng MPD na aking  tinutukoy ay walang iba kundi ang hepe ngayon ng personnel ng MPD na si Supt. Santiago Pascual na isa sa mga nasangkot sa Luneta Hostage Crisis noong Augusto 23 ng taong 2010.

Si Pascual  ang hepe noon ng MPD Special Weapon and  Tactics  o SWAT nang maganap ang madugong  hostage crisis kung saan ay 9 na mga Chinese national ang napatay.

Dahil sa nasabing insidente ay isa itong si Pascual sa mga pi-nakasuhan kaya marami ang nagtaka kung bakit na-promote ito gayung may mga kaso itong kinahaharap sa NAPOLCOM .

Bukod sa  mga kaso nitong si Pascual sa NAPOLCOM ay  may kaso rin itong nakasampa sa korte ng Quezon City nitong taon lang na ito nang walang awa umano nitong bugbugin ang isang babae.

Anong karisma ang  mayroon itong si Pascual at  nasungkit niya ang inaasam-asam  na ranggo o sadyang nag bulag-bulagan lang ang NAPOLCOM dahil  sa isang cash-unduan at sa sinasabing malakas na padrino nito?

Nakupo,  kung  sinoman ang padrino nitong opisyal na ito, dapat ay siguruhin mo na kilala ka pa nitong si Pascual sa mga  susunod na taon baka matulad ka rin sa inyong lingkod.

Ang katulad nitong si Pascual ay hindi dapat na tinutulungan  dahil bukod pala sa may “hydrocephalous “ ay may  “ memory gap” din ito kapag nakasungkit ng magandang puwesto.

Minsan ay nagpunta ako sa tanggapan ni MPD Director Chief Supt. Alex Gutierrez, at sa may lobby ng 2nd  floor ng MPD Bldg. ay nakasalubong ko itong si Pascual.

At dahil  magkakilala naman kami noon ay binati ko siya. Sukat ba namang  tanungin
ako kung  sino ako.

Wow, Supt. Santiago Pascual,  hindi po sa nanunumbat ako, gusto ko lang ipaalala sa iyo na ako lang naman ang gagang nag-puwesto sa iyo kaya ka naging PCP commander noon ng Intramuros PCP .

MPD Director Alex Gutierrez, ano ba ang ipinakain sa iyo nitong si Pascual at siya ang iyong inila-gay na  hepe ng personnel gayong makalimutin naman pala ito at madaling lumaki ang ulo.

Naku bago mahuli ang lahat dapat palitan n’yo na ito. Alalahanin n’yo, General, na ang personnel ay isa sa mga pinakamaseselang  puwesto.

Napag-alaman ng Lily’s Files na itong si Pascual ay nag-aambisyon umanong maging isa sa  12 station commander ng MPD.

Wow bigat mo, Pascual, Ganun ka na ba kagaling at nag-ambisyon ka nang maging station commander? PCP nga napahiya pa ako sa iyo, presinto  pa kaya?

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa 09155683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag-email lang sa…lpr_2012@yahoo.com …

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply