Oras, araw ng krimen sa Metro, tukoy na ng PNP

TUKOY na ng mga pulis ang mga araw at oras na nagaganap ang mga krimen sa paglulunsad ng Philippine National Police ng ‘crime clock’.

Sa ulat na isinumite ng National Capital Regional Police Office(NCRPO) sa PNP, pinakadelikado umano ang dakong gabi ng Lunes, ang oras na mas maraming nakawan nagaganap. Mas kaunti naman ang nakawan o krimen na nagaganap tuwing umaga ng Miyerkules.

Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., karamihan sa mga panghoholdap ay nagaganap tuwing Linggo, alas sais ng hapon hanggang alas dos ng umaga, at madalang naman sa mga oras ng alas sais ng umaga hanggang alas diyes ng umaga.

Susundin umano ng kapulisan ang time clock sa kanilang programa sa pagdedeploy ng mga unipormadong pulis sa mga crime-prone areas, lalo na sa pagpasok ng Kapaskuhan sa mga kilalang 21 lugar na hotspot sa kriminalidad sa Metro Manila , karamihan ay mga mataong lugar.

Sa Southern Police District , markado ang Sto.Nino sa Pasay, Ayala sa Makati, Baclaran sa Paranaque, at Alabang sa Muntinlupa na madalas ang krimen.

Sa Maynila, ang Harrisson Plaza, Blumentritt, Sta.Cruz, Divisoria, Sampaloc, Quiapo, Taft Ave., Quirino Ave. at Ermita ang maraming krimen.

Sa QCPD, Baler, Talipapa, Batasan, at Kamuning na madalas ang petty crimes. Sa Northern naman minamanmanan din ang Monumento, Rizal Ave., Sangandaan, Maypajo, Letre, Dalandanan sa Valenzuela.

Sa Eastern Police District, hot-spot ang Ortigas at ilang lugar sa Pasig sa kriminalidad bagaman sa San Juan sa F. Manalo ay talamak din ang hablutan at holdapan gamit ang mga motorsiklo sa gabi at madaling araw, kung saan ang mga suspek ay dumadayo pa galing ng Tondo.

“Sa oras na malaman ng mga masasamang loob ang time clock ng pulisya ay baka baguhin nila ang kanilang oras sa paggawa ng krimen upang makaiwas sa konsentrasyon ng pwersa ng mga pulis, handa ang mga awtoridad sa anumang pagbabago sa sequence ng pag-iisip ng mga kriminal,”dagadg pa ng PNP spokesman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply