Oras ng pagpapa-file ng COCs, istriktong ipatutupad ng Comelec

HINDI bibigyan ng Commission on Elections (Comelec)  ng extension ang mga kandidato na maghahain ng certificate of candidacy (COC) na lalahok sa 2013 elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ang pagsusumite ng COCs bukas araw ng Lunes October 1, ay mula lamang alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon, hindi tulad noong mga nakaraan halalan na umabot ng hatinggabi.

Ipinaalala din ni Brillantes na kapag kabilang sa political party ang isang kandidato, kailangang isama ang certificate of nomination and acceptance nito sa kanilang isusumite na COC.

Binigyang diin din ni Brillantes na mayroon lamang 30-character limit ang pangalan na maaring ilagay sa balota.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply