Orcollo-Corteza out na sa World Cup of Pool

DISMAYADO ang mga Pinoy billiard fans ng makitang tinitiklop ng No. 2 seed Philippines-A na sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ang kanilang tako nang patalsikin sila ng mahinang Swiss tandem nina Dimitri Jungo at Ronni Regli, 7-8 sa day 2 ng PartyPoker.net World Cup of Pool sa Midtown Robinsons Place activity center sa Ermita, Manila, kagabi.

Lulugo-lugong nagsipag-uwian ang mga miron na nanghihinayang dahil halos kapit na ng Pinoy cue artists ang pag-usad sa susunod na round ng makauna sila ng 6-2.

Subalit sinargo ng Swiss pair ang anim sa pitong natitirang racks upang kompletuhin ang pinakamalaking upset sa gabing iyon.

Ganumpaman, ang duo na lang nina Efren “The Magician” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ang aabangan ng Pinoy fans.

Makikipagtumbukan ang mag kumpadreng Reyes at Bustamante sa kapwa Pinoy cue master na si Fil-Canadian Alex “The Lion” Pagulayan at kakampi nitong si John Morra dala ang bandila ng Canada ngayong als otso ng gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply