Osang bugaloo na raw

WALA kaming balita kung nabayaran na ba ni Rosanna Roces ang utang nito sa isang taxi driver na inarkila niya nang magdamag. Umabot daw sa 3k ang babayaran ng hitad.

Mabuti pa ‘yung alalay daw ng hitad ay ibinalik agad ang hiniram na six-hundred sa driver. Ang kapal ng facelak nila. Mag-among utangera, huh!

Ngayon ay may bago na namang isyu kay Osang, diumano’y isa na siya ngayong negosyante. Oo, nagbebenta raw siya ng sariwang laman ng mga girlitang binubugaw niya. Gaano kaya katotoo ang tsismax na ito?

Ang siste pa raw, ‘yung mga pimp na kalaban niya sa negosyo ay pinahuhuli niya sa lespu para masolo niya ang kalakalan sa black market. Hahaha!

Well, hindi kami maniniwala sa balitang ito hangga’t hindi kami binubugawan ng tsik ni Rosanna. Malay natin baka siniraan lang siya sa balitang ito. Magkano na kaya ang presyuhan ngayon?

Bayad sa babae, kakain sa labas at upa sa hotel, mahal na siguro, noh? Hehehe!

***

Baka maging aparadoric beauty si Regine?

TULOY na pala ang cooking show ni Regine Velasquez na Sarap Diva. Every Saturday lang ito.

Habang nagluluto raw sa show si Regine ay kumakanta rin siya at the same time.

Pag ganito ang sistema, masarap ang maluluto niya dahil with matching kantahan pa. Baka sa katitikim niya ay maging aparadoric beauty na naman siya?

May special participation daw ang kanyang anak na si Baby Nate sa bagong show na ito. Ang hindi lang kaaya-aya ay kasama ring aapir ang alagang aso. Baka magliparan ang mga balahibo nito at ma-swak sa pagkain.

Sabagay, hindi naman pulgasin ang asong ito at di chipipay kaya hindi naman siguro ito papagpag na lang basta kung saan-saan lalo na kung malapit sa lafang.

Goodluck sa bagong proyektong ito ng misis ni Ogie Alcasid. Sana hindi maging flopsina kagaya ng HotTV. Walang kainit-init. Walang dating. Tatanggap na lang kami nang labada kesa manood nito.

***
Carla Guevarra-Laforteza, neurotic

ISA si Carla Guevara-Laforteza sa main casts ng musical play Nine. Siya si Carla Albanese na gumaganap bilang Guido’s (Jett Pangan) neurotic mistress who hopes for a more permanent place sa puso ng huli.

Demanding ang role ni Carla dahil aning-aning siya rito dulot ng sobrang pagmamahal kay Guido.

Anyway, hindi na baguhan sa larangan ng entablado si Carla. She has appeared with Atlantis in Manila and Singapore as Kate Monster in AVENUE Q and Olive in SPELLING BEE. Noong 1995-1996 ay naging bahagi siya ng Miss Saigon, after Lea Salonga at Little Mermaid. ]

Nakagawa rin siya ng limang pelikula sa bakuran ng Regal at nagkaroon nang ilang appearances at isa na rito ang Star Drama ng ABS CBN. Isa siya sa original talent ng Star Magic.

Sa kabila nang pagiging ina sa 2 anak na may edad 11 at 9 years old, visible pa rin sa teatro si Carla, at ayon sa kanya, parte na ng buhay niya ang sining.

At para mapanood muli on stage ang magaling na aktres sa pamamagitan ng Nine, tumawag sa Atlantis Productions at 892-7078 or Ticketworld at 891-9999. NINE runs from September 21 – October 7, 2012 at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa 09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply