Ospital na nanakawan ng beybi kakasuhan

KAPAG hindi naisauli, plano ng isang maybahay na bagong panganak ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng Sta. Teresita Hospital (STH) sa Quezon City.

Sa reklamo sa pulisya ng biktimang si Ces delos Santos, 25-anyos, may malaking pananagutan ang STH sa pagkawala ng kanyang anak na si Sean Gabriel, 3-day old baby dahil sa kanyang hospital room mismo ito dinukot nitong nakaraang Martes ng madaling araw.

Bukod pa rito, natuklasan din na walang nakakabit na closed circuit television video (CCTV) camera ang mga bawat palapag ng naturang ospital partikular sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kuwartong ni Delos Santos.

Ani Delos Santos, dahil dito, mahihirapan na ang awtoridad para makilala ang tumangay sa kanyang anak.

Sinisisi rin ni Delos Santos ang mga guwardiya ng naturang ospital dahil sa kabila ng pagkakaroon ng mga guwardiya sa main gate at bawat palapag ng ospital ay nalusutan pa rin sila para maipuslit ang kanyang anak.

Bagama’t nagkasa na ng sariling imbestigasyon, inuna na munang sibakin ng pamunuan ng STH ang kanilang security agency dahil sa kapabayaan sa tungkulin at inumpisahan na rin ang mas malalim na imbestigasyon hinggil sa insidente.

“Nakapagtataka lang talaga dahil bago mailabas ang isang pasyente lalo pa’t bagong panganak at dala ang kanyang anak ay mayroon ang ospital ng identifier tag at kapag wala ito ay hindi dapat pinalalabas ng hospital premises,” pahayag ng ayaw magpakilalang nurse.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Delos Santos na dakong alas-4 nitong Martes ng madaling araw nang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng kasuotan na pang-doktor sa kanyang kuwarto at sinabihan siyang dadalhin ang kanyang anak para sa new born screen tests.

Pero makalipas na ang halos kalahating aras at pumasok ang isang nurse para paliguan ang kanyang anak, sinabi niya na isang pedetrician ang dumating at kinuha ang kanyang anak para sa ilang screening tests.

“Mga 4 a.m. nakuha niya ang baby ko. Tapos bumaba ‘yung magpapaligo ng 4:30, sabi ko kinuha ng pedia…tapos nu’ng sinabi sa akin na wala kaming ipinadalang pedia. Hayun na, nasaan ang baby ko?”pag-aalala ni Delos Santos.

Inilarawan ang suspek na nasa 35 hanggang 40 anyos, may maiksi at tuwid na buhok at may taas na 5’ 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply