Outstanding titser, pulis, sundalo, kinilala ng Senado

HINDI maubos ang katuwaan ng 30 titser, pulis at sundalo sa pagtitibay ng Senado bilang pagkilala sa kanilang nagampanang tungkulin sa kani-kanilang larangan sa ginanap na 2012 Metrobank Foundation Search for   Outstanding Teachers (SOT), The Outstanding Philippine Soldiers (TOPS), at ang Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS).

Sa kanyang talumpati sa pagbibigay ng congratulatory letters matapos pagtibayin ang Senate Resolution No. 840 na kumikilala sa kanila, sinabi ni Sen. Edgardo Angara na kakaiba ang tungkulin na ginampanan ng mga awardee sa kani-kanilang larangan.

“I really admire these ordinary public servants doing extraordinary work in their respective fields. I am touched and moved by their passion to serve the country,” ayon kay Angara.

“It is not everyday that public servants get recognition or congratulations. Filipinos should learn to appreciate and trust our public servants,” dagdag ng senador.

Sinabi pa ni Angara na malapit sa kanyang puso ang SOT dahil inilunsad ang pagkilala noong naninilbihan siya bilang presidente ng University of the Philippines (UP).

“This is the brainchild of my good friend George Ty, who was Metrobank President at the time. He consulted me about his idea of recognizing Philippine professionals who excelled in their fields. I immediately recommended teachers who, despite typically low pay, dedicate their lives to shaping our youth,” ayon sa senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply