Overcharging ng PSALM, pinababalik na ng ERC

TINIYAK na ng Energy Regulatory Commission (ERC) na sigurado nang makukuha ang refund sa sobrang siningil ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) mula 2008 hanggang ngayong taon.

Ayon kay ERC Chairperson Zenaida Dukot, inilalatag na ng kanilang ahensya ang computation at mekanismo ng refund ng PSALM.

Gayunman, hindi nagbigay si Dukot ng panahon kung kailan matitikman ang nasabing refund mula sa overcharge o sobrang singil na umaabot sa P13.6 billion.

Pero hangga’t wala pa ang refund, iginiit ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa ERC na ipatigil na ang sobrang pagsingil ng PSALM sa mga kumukonsumo ng kuryente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply